List Headline Image
Updated by Maria Ginter on Jun 24, 2018
Headline for Maganda na! Beauty Websites in the Philippines
 REPORT
Maria Ginter Maria Ginter
Owner
5 items   1 followers   0 votes   1 views

Maganda na! Beauty Websites in the Philippines

Are you from the Philippines and would you like to find tips how to be more beautiful? Find anything from hair care, facial, skin treatment and whitening. These are the most useful beauty websites in tagalog.

Source: http://maganda-ako.com/

Pampakinis.info: Abot Kamay na Mga Paraang Pampakinis ng Balat!

Lahat naman siguro, maging babae o lalaki man ay gustong kuminis ang balat. Lalo na sa panahon natin ngayon na halos lahat ay nakadepende sa panlabas na itsura, ang pagpapaputi at pagpapakinis ng balat ay naging isa na sa naging pangunahing pangangailangan ng mga Pinoy.

Mahal ang pagpapakinis ng balat. Kaya naman, marami sa mga gustong pumuti at kuminis ay pinang hihinaan na ng loob. Imbes kasi na sa pagkain at ibang mga pangangailangan na mapunta ang perang pinaghirapan mo, baka kailangang mabawasan pa ito ng budget para sa pagpapaderma o kaya naman ng mga cosmetic products na pampakinis.

Pero alam mo ba na ang pagpapakinis ng balat ay hindi naman talaga kailangang mahal? Opo, may mga praktikal na mga pamamaraan ng pagpapakinis at pagpapaputi ng balat na hindi kailangang pagkagastusan ng napakalaki!

Layunin ng website na ito, ang Pampakinis.info na magbigay ng libre ngunit maaasahang mga impormasyon ukol sa pagpapakinis ng kutis. Epektibo at praktikal ang mga nilalaman ng Pampakinis.info para talagang makatulong sa ating mga kababayan na walang maraming budget ngunit gustong pumuti at kuminis ang balat. Ang website na ito ay isinulat sa wikang Tagalog para maintindihan at lubusang pakinabangan ng masang Pilipino.

Gusto mo bang kuminis at maging competitive sa mundong ginagalawan mo? Basahin at subukan ang mga tips sa Pampakinis.info ngayon din!

Pampaputi.info | Tips para Pumuti

Dahil sa popularidad ng mga artistang banyaga na kadalasan ay mapuputi at magaganda, ang pagiging maputi ay naging batayan na ng kagandahan para sa karamihan sa mga Pinoy. Para sa karamihan sa atin, ang pagiging maputi ng balat at kagandahan ay iisa.

Dahil sa ganitong uri ng pag-iisip, maraming mga Pinoy ang gumagastos ng malaki, sumusubok ng kung anu-ano para lamang pumuti. Sinasamantala naman ng malalaking korporasyon ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng paggawa at pagbebenta ng mahal ngunit hindi epektibong mga cosmetics.

Pero alam mo ba na hindi mo naman talaga kailangang gumastos ng napakalaki para pumuti ang iyong balat? Ito ay sa pamamagitan ng natural na mga sangkap na abot kamay lang at ng makabagong mga teknolohiya sa pagpapaputi ng balat na hindi mahal na matagal nang ginagamit ng mga banyaga.

Kung gusto mong magkaroon ng maputing balat, basahin mo ang mga tips na nasa Pampaputi.info!

Pampaganda.info: Ang Pagpapaganda ay Hindi Kailangang Mahal!

Ang mga Pinay ay likas na mamaganda. Sangayon dito ang mga dayuhan na minsan ay nanakop sa ating bansa. Sinasabi ng kasaysayan na nabighani ang mga mananakop sa likas na kagandahan ng mga Pilipina kaya naman ang ilan sa mga ito ay nakapangasawa at nagpamilya na dito sa Pilipinas.

Ang ating mga ninuno ay may sariling paraan ng pagpapaganda, gamit ang kapangyarihan ng kalikasan. Gumagamit sila ng mga kasangkapan na makukuha sa paligid bilang kanilang shampoo, toothpaste, make up at iba pa. Ang kanilang katutubong kaalaman ay naipasa sa paglipas ng maraming henerasyon at pinakikinabangan pa ng iilan hanggang sa ngayon.

Subalit alam natin na nagbabago ang pananaw ng mga tao sa kung ano ang kahulugan ng salitang maganda. Kaya naman, karamihan sa ating mga kababaihan ay nape-pressure na makisabay sa mga nauuso sa ngayon: mula sa pananamit, ayos ng buhok, pati estilo ng pananalita ay pinagsusumikapang gayahin ng karamihan para lamang matanggap sa lipunan at magmukhang maganda.

Pero alam mo ba na hindi mo naman talaga kailangang gumastos ng malaki para lang maging maganda? Opo, kailangan mo lang na maging praktikal! Ang website na Pampaganda.info ay ginawa para magbigay ng libre ngunit tumpak na mga impormasyon sa pagpapaganda. Layunin ng Pampaganda.info na maging ang pangunahing mapagkukunan ng impormasyon ukol sa modernong mga pamamaraan ng pagpapaganda para sa mga Pinoy. Magbasa ng higit pa sa website na ito!

Maganda-Ako.Com: Website Tungkol Sa Pagiging Maganda, Para Sa Pinoy

Tulad din ng ibang lahi, gusto ng mga Pilipino na gumanda. Pero dahil sa pagiging busy sa paghahanap buhay, kadalasang napapabayaan natin ang ating sarili. Kaya naman, sa karamihan ng mga Pinoy na nag tatanong kung paano ba maging maganda, nagsilabasan ang napakaraming produkto na nakapagpapaganda raw, ayon sa mga advertisement sa radio at TV. Nakalulungkot, karamihan sa mga produktong pampaganda ay ginawa para perahan lamang ang ating mga kababayan. Kung ito man ay epektibo, asahan mong sa paano man, ito ay may side effects sa katawan.

Mataba? Gusto Mo Bang Pumayat ng Mabilis sa Malusog na Paraan?

Aminin na natin, talagang masarap kumain ang mga Pinoy. Ang masasarap na pagkaing ihinahain ni Inay ang isa sa mga dahilan kung bakit excited umuwi sa bahay ang bawat isa pagkatapos ng isang nakakapagod na maghapon sa eskwela man o sa trabaho. Ang paboritong mga pagkain rin ay nakadaragdad sa kasiyahan tuwing may okasyon, kaya ang masasarap at masasayang kainan ay bahagi na ng kulturang Pilipino kahit hindi pa man nanakop ang mga dayuhan.