List Headline Image
Updated by Daniel Koepf on May 29, 2018
Headline for Jeepney Manufacturers
 REPORT
Daniel Koepf Daniel Koepf
Owner
9 items   1 followers   0 votes   14 views

Jeepney Manufacturers

Would you like to buy a Jeepney in the Philippines? You have many options to get it. have one made to order in one of the many workshops or buy a finished Jeepney in original design.

Private Jeepney

Bagaman ang kauna-unahang jeepney sa Pilipinas ay ginawa para masagot ang pangangailangan ng mga tao sa kumbenyente at murang transportasyon, ang malalaking pamilya ay gustong magkaroon ng private jeepney.

Passenger Jeepney

Malamang ay nagtatanong ka kung paano nga ba naging bahagi ng kulturang Pilipino ang mga passenger jeepney. Ang kasaysayan ng passenger jeepney ay nag simula pa noong katapusan ng digmaang pandaigdig II. Matapos ang malagim na digmaan kung saan katulong ng mga Pinoy ang mga sundalong Amerikano sa pagtataboy ng mga Hapones, iniwanan ng mga tropang Amerikano ang kanilang American made na mga jeep sa mga kaibigan nilang Pinoy. Ang iba naman sa mga jeep, ipinagbili ng mga Kano sa murang halaga.

Jeepney Design – Kaninong Jeepney Art ang Paborito Mo?

Ang makukulay na jeepney ay bahagi na ng kultura at kasaysayan ng mga Pilipino. Bukod sa ang jeepney ay ang pangunahing paraan ng transportasyon ng mga Pilipino, ang jeepney design o ang pagdedesenyo ng jeep ay nakatatak na rin sa tradisyong Pilipino.

Milwaukee Motors

Alin man sa private jeepney o pampasaherong jeepney ang gusto mo, ang pagbili ng brand new jeepney mula sa iyong pinagkakatiwalaang jeepney manufacturer ang pinakamahusay na paraan para mag may-ari ng jeepney. Bakit naman? Kung brand new kasi ang iyong kukunin na jeepney, hindi mo na kailangang makipagsapalaran pa sa kalawanging mga bahagi ng iyong jeep. Hindi mo na rin kailangan pang mangamba na matitirakan ka sa gitna ng daan habang ikaw ay nagbibyahe dahil sa hindi inaasahan at mga nakatagong sira.

JD Motors

Narinig mo na bas a balita na aalisin na daw ang mga jeepney na 15 taong gulang pataas? Oo, kaya kung ikaw ay dati nang jeepney operator na may luma nang mga jeepney o kaya ay naghahanap ng bagong jeepney na pangpasada o pang service nang pamilya, magpagawa ka na sa jeepney manufacturer na subok ang kakayahan sa paggawa ng brand new jeepney na alinsunod sa bagong patakaran ng pamahalaan ng paggawa ng mga jeepney. Isa diyan ang JD Motors Jeepney ng San Pablo.

Blessed Motors

Kung isa kang OFW na nag-iisip kung ano ang pinakamagandang investment na maaari mong pasukan, ang pagkakaroon ng pampasaherong jeepney ang isa sa pinaka the best na maaari mong paglagakan ng iyong pinagpaguran sa abroad. Ito ay magbibigay ng arawan at stable na kita para sa mga kapamilya mo dito sa Pilipinas. Kung ikaw ay magreretiro na sa pag-aabroad, pwedeng ikaw na mismo ang magmaneho ng iyong passenger jeep!

Armak Motors

Malamang na naghahanap ka ng murang jeepney na maaaring gawing pampasahero o pang service ng iyong mga kamag-anak papuntang mall o beach. Baka maaakit ka sa mga classified ads sites na nagbebenta ng second hand na mga jeepney. Sabagay, mura at madaling mabili ang mga segunda manong jeepney.

Hataw Motors

Ang Hataw Motors ay isa sa pinakakilalang mga kumpanya na gumagawa ng mga passenger at private jeepney. Katulong ang Hataw Motors sa pagpapanatili ng tradisyon ng makukulay at magagandang mga jeepney maliban sa ito ay ang pinaka madali at murang paraan ng transportasyon sa Pilipinas.

Anong Features at Uri ng Makina ang Gamit sa Jeepney na for Sale?

Baka curious ka sa kung anong uri ng makina ang gagamitin sa brand new jeepney na iyong ipapagawa. Ang pinka sikat na makina para sa jeepney ay ang Isuzu engines. Kadalasan, Isuzu 4BC1 o 4BC2 diesel engine na gawa sa bansang Japan ang ilalagay nila sa private jeepney mo, pero tulad ng nasabi na namin, ikaw ang boss dito! Ikaw ang pipili kung anong uri ng makina ang gusto mong ilagay, base na rin sa kagustuhan at budget mo. Pero kung ang mga jeepney manufacturer ang hahayaang magdisisyon, mas gusto nilang ikabit ang mga makinang Isuzu. Lahat ng mga jeepney ay gumagamit ng de-kruding makina. Sa bagay, ayos naman ang makinang diesel sapagkat malaki ang matitipid mo sa konsumo nito.