Listly by ricky montes
Learn farming in the Philippines with useful guides for taking care of animals or how to plant vegetables.
Napakahalaga ng punong kahoy sa ating mundo. Malaki ang pakinabang nito sa pagkakaroon ng sariwang hangin, napipigilan rin nga mga punong kahoy ang pagkakaroon ng landslide o pag-guho ng lupa, at napagkukunan rin natin ng bungang prutas ang mga punong kahoy depende sa uri nito. Pag usapan natin ang mga bagay ukol sa pagtatanim ng punong kahoy.
Mahilig ka bang mag-alaga ng mga hayop kagaya ng manok, o kaya ay kalapati? Kung oo ay maaari mo ring subukan ang pag-aalaga ng pugo dahil ang pag-aalaga nito ay halos walang pagkakaiba sa pag-aalaga ng manok. Paano kung nagpaplano kang mag-alaga ng pugo ngunit kulang ang iyong kaalaman? Basahin ito upang makatulong saiyo.
Nasubukan mo na ba ang pag-aalaga ng baka? Nais mo bang subukan ang negosyong bakahan o bakahan business? Kung interesado ka ngunit kulang ang kaalaman mo, kailangan basahin mo ang artikulong ito.
Bagaman ito ay isang makabagong teknolohiya, ang natural na pag-aalaga ng baboy o mas kilala sa tawag na babuyang walang amoy sa Pilipinas ay unti-unti nang nakikilala. Parami nang parami ang mga nag-aalaga ng baboy bagaman sila ay baguhan o datihan na sa ganitong larangan ay nagsisimula nang isagawa ang ganitong pamamamaraan ng pag-aalaga ng malulusog na mga baboy. Marami sa mga nag-aalaga ay nagsitayo na ng kanilang babuyang walang amoy sa kanilang mga bakuran gamit ang mga kagamitang makukuha lamang sa kanilang paligid. May mga nag-aalaga naman ng baboy na ginawa nang babuyang walang amoy ang kanilang conventional na babuyan para maging mas matipid ang kanilang kabuhayan.
Ang artikulong ito ay tatalakay sa mga pangunahing impormasyong kailangan mong malaman tungkol sa inahing manok, paitluging manok at sa mga paraan ng pag aalaga ng manok na nangingitlog sa Pilipinas. Tatalakayin din natin sa dulo ng artikulong ito kung paano gumawa ng egg incubator.
Ang okra ay isa rin sa mga pangunahing gulay na matatagpuan dito sa Pilipinas. Marami rin itong mga gawa lalong lalo na sa mga lutuin at higit pa roon ay mayroon ding itong mga taglay na pambihirang sustansya. Kaya naman maraming mga magsasaka ang napasok sa pagtatanim ng okra o okra farming. Paano ba mag tanim ng okra?
Sa dami ng iba’t-ibang sakit na nagsisilabasan ngayon, marahil malaki ang ambag ng uri ng mga pagkain ang na ating kinakain sa pagkakaroon ng malulubhang sakit. Nangunguna diyan ang nakakatakot na kanser at iba pa. Kaya naman napakahalaga sa atin ang kumain ng gulay at bukod pa riyan ay maaari rin gawing negosyo. Alamin natin kung papaano.
Ang sitaw ay isa sa pinaka pangunahing gulay na matatagpuan dito sa bansang Pilipinas. Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit maraming mga magsasaka at mga negosyante ang pinasok na ang pagtatanim ng sitaw bilang isang negosyo. Pero paano nga ba ang tamang paraan ng pagtatanim ng sitaw?